Biyernes, Pebrero 28, 2014

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Masaya talaga ang pagiging Pilipino kasi namumuhay daw kami sa salitang "DEMOKRASYA"
demoralisadong "KALAYAAN/MALAYA" at puno ng masayang pakikibaka kahit "NAGHIHIRAP ANG BANSANG PILIPINAS".

Ilan sa aking napagtuunan, tutal naman bilang isang Pilipino Likas tayong pumuna ng mali sa gobyerno man o sa ordinaryong tao. Kaya ito ang gagawin natin ang pumuna sa salitang "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES", May FUN nga ba sa PILIPINAS?

sige, Himayin natin ito nang may pang-unawa at malawak na pag-iisip, intindihin mabuti baka nabibilang ka sa mga ito.

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES kasi LIKAS na sa ATING mga Pilipino kapag meron ka sa isa sa mga ito tyak! CERTIFIED FILIPINO KA! ito ang mga sumusunod:

  • MAREKLAMO -Alam mo yung simpleng maglalakad ka lang ng konti eh mas mabilis pa bunganga nila kata-talak na kesyo mainit daw, malayo,papawisan na hanggang sa nakarating ka na sa punpuntahan mo di ka pa rin tumitigil, GANYAN ANG PINOY!

  • Isunod naman natin ang pagiging maaga ng ating kababayaan- Ang ALWAYS LATE!, sakit na ito ng Pilipino kahit mag bigay ka ng call time na 7AM dating nyan 9AM pa papano tayo aasensyo nyan.

  • isa pa ito kung tawagin ay "JUAN TAMAD" yung tipong malapit na sayo yung gamit na gusto mong kuhain iaasa mo pa sa iba at simpleng pagtatapon ng basura sa tamang BASURAHAN di mo magawa sa tabi na lang itapon dahil sa katamadan mo, anong say mo sa mga taong ganyan di ba nakakasura! walang kwenta, di marunong umintinde ng salitang KASIPAGAN at MAKABAYAN!

  • iangat ang level natin, ilevel natin sa BUZZ ng BAYAN at STAR TALK ang susunod na likas sa pagiging Pilipino na maihahalintulad rin sa trapik na nagaganap sa edsa, TSIMOSO/TSIMOSA dito tayo talagang bihasa, bihasang pag tisimisan ang isang sikat/politiko/kapitbahay/brgy at kung sinong nabuntis ni ka juan na minor de dedad na kahit na di mo kilala gagawa ka ng way para ikalat ang tsismis sa ibang bahay,brgy. munispyo mamaya lalawigan na di na nakalabas ng bahay yung pinag tsismisan. dapat bago nyo muna itsimis ay iklaro nyo muna kung totoo ba ito at may sapat na ebidensya, di yung dada ka ng dada mali namna pala, sino ngayon mapapasama IKAW ba o yung pinag tsismisan ninyo? mag-isip kayo kaya di tayo naasenso katulad ng buhok ni PNOY!

  • Ang naumsyami at nakakadismayang "PILOSOPO", ang pagkaka alam ko ang pagiging Pilosopo ay bihasa sa PILOSOPIYA at hindi sa pananagot ng pabalang sa kapwa. Nakikitsismis lang marami daw matatanda ang nagagalit kay VICE GANDA dahil sya daw nag simula at bumuo ng PILOSOPO PROPAGANDA sa kanyang pag-usbong sa larngan ng telebisyon na dapat raw SPG ang SHOW nya kasi daw ginagaya na sya ng kabataan ngayon, simpleng pag-uulit ng salita nakakaumay na raw magtanong sa tao..

  • Isa pinakakalungkot sa pagiging Pilipino ay ang kakulangang kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa na minsa nang sinubok ng TV PATROL at 24 Oras na mag survey patungkol sa kasaysayan at sa EDSA revolution, People's Power ni isa siguro sa sumagot di alam ang sagot, nakakaawa ang Pilipinas di binibigyang halaga ng mamamayan ang kanilang sinilangan basta na nga lang tumira di man lang maging makabayan.haist!

  • Nabibilang ang Pilipinas sa pinaka KURAP as in yung kumukurap ang mata..hehehe...di CORRUPT ang ibig kong sabihin yan ay talamak sa bawat lalawigan man o munisipalidad at maging sa nasyunal na  rin..nakakaawa ang mamamayang Pilipino na sana ngayon mas sikat na tayo sa CHINA sa pag-unlad, mas maganda sana ang Pilipinas kung di lang nabuo ang salitang CORRUPT sa ating diksyunaryo nakakaawa tayo pero wala tayong magagawa sadyang mapaglaro ang ating panahon siguro darating yun time na uunlad rin tayo kapag nanalo ang Pilipinas na makuha ang Scarborough shoal at panatag chenelu! :), actually sikat naman tayo dahil may mga PIlipino abraod ang nag aangat ng bandera ng Pilipinas sa larangan ng MUSIKA, PELIKULA at iba pa..yung iba naman nag papababa ng dangal ng Pilipinas tulad ng CORRUPT, HOSTAGE Crisis, gera sa zamboanga, mindanao, yolanda..basta calamities NUMBER 1 ang PINAS kasi sympre hinge tayo pera, tulong sa banyaga! jadyan tayo magalaing!!:)


    well nasabi ko na ang gusto kong sabihin it's more fun in the Philippines talaga!
    LAHAT TAYO EDUKADO NGUNIT NASAN NA ANG PINAG-ARALAN natin? naglaho na na parang bula! gamit tayo ng JOY DISHWASHING para bumula ulit...

Biyernes, Enero 24, 2014

WALANG MUWANG

      Marahil sa ngayon hindi na sandigan ng mga kabataan ang katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kundi nirebisa sa makabagong panahon at iniakma sa panahong 20th century  na "Ang kabataan ang sakit sa lipunan at nagpapabaon sa kahirapan" bakit? kasi karamihan na sa ating mga kabataan ngayon ay wala nang pakialam sa EDUKASYON bagkus sa RELASYON NG MAAGANG PAG-AASAWA na ang patok sa merkado.... 

      Ano ang maidudulot ng ganitong uri ng relasyon?, 
Dito na pumapasok kung bakit naghihirap ang tao, ang lipunan at bayan dahil sa kakulangan sa edukasyon at kawalang trabaho at pag-aasawa ng maaga.  Anong pagkain, bitamina, sustansya at pagpapa-aral ang ibubuhay mo sa kanila? Anong disposisyon sa lipunan ang walang muwang na bata sa mundong ating ginagalawan nya at ibabahagi mo sa kanya? paghihirap?pagsasakripisyo?..............


 
...........o dili naman kaya sa kanila kayo aasa ng pangaraw-araw na gatusin, pagtatrabahuhin mo sya ng maaga at dadalhin sa lansangan? para ano manlimot ng mga bote, lata, papel at manlimos sa mga taong dumadaan sa kanya?  tapos magagalit ka sa kanya kapag wala syang nai-uwing pera pambili ng bigas at ulam MO! na samantalang ikaw nakaupo lang sa sulok ng bahay naka-higa nag-aantay na pumatak ang bayabas na iyong bibig na kinatatamad pang kuhanin? HINDI TAMA YUN! HINDI MAKATAO!


         Mag aanak-anak kayo tapos di nyo bibigyan ng magandang kinabukasan? ano ito naglalaro lang kayo nung binuo nyo ang batang walang muwang sa inyong kasalanan? nakakaawa ang mga magiging anak nyo sa puntong mawawalan na rin sila ng pundasyon ng PANGARAP kundi ang itatak na lang nila sa kanilang sarili ay ang pundasyon ng HIRAP... 


          MAG-ISIP MUNA KAYO BAGO KAYO GUMAWA NG DI KANAIS-NAIS.....

itanong nyo sa sarili nyo

           ANO ANG IPAPAKAIN KO SA BATANG MAARING MAGING ANAK KO KAPAG NAGAWA NAMIN ITO?

            MAGDUDULOT BA ITO NG KASIYAHAN (sarili) O KAHIRAPAN (batang iluluwal)?



BE RESPONSIBLE ENOUGH! LUMAYO SA TUKSO! ALIWIN ANG HUSTO SA IBANG MAKA MUNDONG BAGAY AT HINDI SA MADILIM NA BAHAY.....

Biyernes, Enero 17, 2014

Isang Umaga

Alimyos ng amihan
Mainit na sabaw
Barakong pampinid sa lalamunang nauuhaw
Batangas ala eh aking kinatatayuan

mahamog na umaga malabo pa sa mata
kalikasang maunlad pa kesa sa pera,
Nagpapakilig sa kama
dala ng hanging malinis pa sa polusyon ng maynila

naghahanap ng kasama
pampainit sa nag uumapaw na hanging walang gana.
Yakap dito,
Haplos doon,
nagpapahiwatig ng masaya kang kasama.






Lunes, Enero 13, 2014

"ANG PAGTAWAG"


        Sa aking paglalakbay patungo sa hangarin na gusto ko may isang bagay ang inaasama-asam kong gawin na hinding-hindi ko kayang pasukin dala nang aking  masidhing katauhang tinataglay.

        Lumipas ang ilang oras may hanging umihip sa aking katauhan upang ihatid ang isang napaka halagang tao sa aming buhay papunta sa kanyang pinapasukang eskwelahan ang "seminaryo", kitang-kita sa kanya ang galak at tuwa na tila ba na isang ala-alang di nya malilimutan na parang kami ang tumayong magulang nya papunta sa tahimik ng kabanalan.

        Habang rumaratsada kami sa daan patungo sa kanyang kalungkutan/kagalakan.kasiyahan sinulit nya ang oras na kami ay kasa-kasama nya nandun ang masidhing kwentuhan na may halong kadramahan na mamaya'y mauuwi sa iyakan at tawanan, binusog kami ng seminaristang ito ng isang masayang baon pauwi ng aming mga tahanan ngunit iiwanan naman namin sya ng isang malungkot at masyang ala-ala na paghuhugutan nya ng lakas ng loob sa pagpasok nya sa seminaryo.

      Nakarating na rin kami sa wakas sa lugar na makabasag pinggan ang katahimikan sa puntong iyon doon ko naramdaman na para ba akong naulila nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kasiyahan at kagalakan sa pagbabalik sa tahanan ng relihiyoso eto ako masaya kaharap nila pero sa loob ko para akong tinutusok ng karet ni satanas na sa sobrang hapdi at sakit gusto mo nang sumigaw at umiyak.

        Masakit, mahirap ang tiisin ang isa sa pangarap mo na maging kabilang nila ngunit hindi ito pwede dahil sa mata ng sangkatauhan isa akong malaking kasalanan at kahihiyan dahil sa katauhang aking dala-dala....
Isang pagsisisi ang nasa aking kaisipan na kung bakit nga naman ako sumama pa sa paghahatid sa kanya yan tuloy nabuhay na naman ang pagtawag nya sa akin...

         Sa mata siguro ng Diyos hindi ako kasalanan na pasukin ang pagpapari pero sa mata ng kaparian nandoon ang mainit at nanlilisik na mata sa pagkamuhi at ang hindi pagtanggap... Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang presensya ng kalungkutan habang ginagawa ko itong bawat salita at letrang aking isinusulat katumbas nito ang hikbi at luhang nananalaytay sa aking mukha masakit pa rin hanggang sa ngayon.

          Hindi madaling itanggi o itago sa sarili at sa iba ang pagka humaling mo na pumasok  at maging bahagi ng isang institusyon na puno ng kabanalan na kung saan naroroon talaga ang aking puso ang seminaryo. Wala akong magawa kundi tumingin at makitawa sa kanila pero sa kalooban ko damang-dama ko ang kainggitan sa kanilang mga mukha na pawang seminarista lang ang makakagawa.

Isang katanungan ang sumagi sa aking muwang na kaisipan sa puntong nakita ko silang lahat....

MATATANGAP KAYA NILA AKO?
ANO KAYA ANG KAHIHINANTNAN NG BUHAY KO?
DI BA LAHAT NAMAN PWEDENG MAGBAGO KUNG GUGUSTUHIN MO at PAGSUSUMIKAPAN MO?

          Pangarap ko rin umakyat sa altar at magmisa sa parokyano, pangarap kong mag homiliya katulad ng paring napapakinggan ko mag homilya sa ngayon homiliya sa mga kabataan ang ginagawa ko ang pagbabahagi ng buhay ko kasama si Kristo at mga ala-alang nagpapatunay na buhay si Kristo sa ating pang-araw-araw na buhay hanggan dun lang siguro ako.

Nakalulungkot ito para sa akin sapagkat nandun ang presensya  ng pagtawag ng Diyos at kagustuhan  ngunit di ko magawa sapagkat ako ay puno ng pagkabahala at kawalang tiwala sa sarili, siguro hanggang sa huli ito ay aking pagsisisihan dala-dala hanggang sa ako ay mahimlay.


hanggang pangarap na lang ako............


HANGGANG SA MULI....

Lunes, Nobyembre 11, 2013

HELP!!

     Sa darating na Martes hanggang Linggo, Ang kabataan ng Parroquia De La Nuestra Senora De La Merced ay mangangalap ng tulong at donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng Super Typhoon YOLANDA..Ngayon ang pagkakataon na tayo ay magtulong-tulong at magbigayan ngayon darating na kapaskuhan, Sa bawat tulong na ating maipa-aabot maliit man o malaki ang katumbas naman nito ay walang humpay na ngiti at pag-asang dala-dala na may bukas pang darating para sa ating mga kapuso, Kapatid at Kapamilya. Muslim man o Katoliko tayo ay iisa!:)


Para po sa mga gustong tumulong, tumawag o makipag-ugnayan lamang po sa numerong 0915-4674339 (GLOBE), 09496305456 (SMART), at 09238918404 (SUN)

GOD BLESS!:)

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Like Maria Clara



How I wish to be like you, 

Like Finesse of a heartbreaking Maria Clara

Unfortunately I was a man of steel physically

But the apple inside me is not as masculine as man but feminine rather.

I might love the same gender

And strange to become a pretender

Abiding as a secret affair

Whose will IS to spill a lot of crystals just to be happy?

Just to taste its pleasure and leisure but never taste falling to someone.

How an endangered species like me can find the destined person?

If me, myself and I can’t wait for it?

Suffering for the solitary and discrepancy never like an infant

ALA EH



Alay eh! 
Barako man sa paningin
Matapang man kung maituturing
Ala eh! paboritong sabihin
Maka-Diyos rin kung kikilatisin.

Kapeng mabango pa sa hangin kung iyong lalanghapin
halimuyak nito ay ika'y pagaga-anin
samahan mo pa ng paburitang 
nakakaumay ngatatin.

Taal na nag-pasikat sa amin
Burdang taal na nagpakilala sa aming sinilingan
Subliang nagbibigay kulay 
at nagpapayaman sa kultura at buhay

Ginto't Pilak kung Ngumiti
Inam kung tumili!
Ngalan ng bayan sa ami'y habi sa katolikong binhi

Maugong sa  tengga ng mga Kristyano katoliko 
ang tinaguriang Rome of the Philippines!
yan ay sa aming nagpapayabong ng turistang banyaga
Sikat sa Pilipinas maging sa Mundo
Yan ang ALA EH'ng  BATANGAS.

Linggo, Oktubre 13, 2013

Isang araw na naman ng panimula, Isang araw na naman na nakaupo sa paborito kong sofa nakatingin sa parisukat na puno ng iba't-ibang karakter sa araw-araw na pagsubaybay sa simpatya ng tao. hanggang dito na lang ba ako sa apat na sulok ng pamamahay namin?, Kailan kaya ako aayain ng aking kapalaran na dalhin sa mabuti at masaganang pag-aani ng tagumpay sa buhay? sabi nila, maaaring bukas, sa makalawa o hindi na talaga.

dalangin ko sa Maykapal na sana gantimpalaan nya ko ng isang gintong trabaho na kung saan lahat ay makikinabang hindi lamang ang aking pamilya bagkus ang adbokasiya kong matulungan ang mga batang laman ng lansangan, nakapinid sa ibabaw ng nag-iinit na daan, sumasabay sa baryang kanilang nahahawakan. kailan kaya didinggin ng Diyos ang panalangin ko sa kanya? sa debosyon ko na lang ng paghihintay ang aking makakayang gawin.

sabi ng karamihan na kapag nakakita ka raw ng "uwak" ikaw daw ay mamalasin sa araw na iyon pero bakit ako nakaka lima sa isang araw kung magkita nun? di naman ako minamalas sa araw-araw ko na makita ang mga "uwak" di nga ako minalas sa araw-araw pero sa trabahong aking hinahanap dun siguro masasabi ko na malas ako. Sa lahat ng pagkakataon walang oras at araw na hindi ko ginalingan. hiyang-hiya na nga ako sa mga magulang ko sa loob ng limang buwan na nakabinbin ako sa kanilang pude na walang ginawa kundi kumain.matulog.lumayas.maligo paulit-ulit para akong si NAPOLES sa tuwing napapaisip ako ng ganito nakakulong sa selda, di naman makaalis at makapag hanap ng trabaho sa kawalang suporta nila, ano ba naman ang magagwa ko anak lang ako na sumusunod sa gusto nila. ayaw nila ko mag trabaho sa callcenter sayang lang daw pinag-aralan ko sa communication dapat di na lang daw ako pumasok ng college. hayy mga magulang nga naman super napakataas ng expectation sa kanilang mga anak.ewan ko ba kung anong gustong gawin ng aking mga magulang sa akin....basta ang alam ko kung hindi ako magtagumpay sa plano ko sa buhay alam ko nandyan si Lord na magpupuno at tutupad sa aking mga plano at pangarap

Huwebes, Oktubre 3, 2013

Green Planet

Green aliens wish to have their own corners

Fair and partially divided into four sub cultures

Undying happiness and non oppression was the rule in and out of the corner.

You can do whatever you wanted to,

Like sex until the ego satisfying your oath

Like glutton that no one can stop eating until you peak your flesh

Like me that no one can stop my seduction

Everything is so liberal but one thing can’t be...

NEVER to fall in love just benefit.

Just register yourself here in my own planet so you can meet your lust and envy.

Bare to be with LGBT and find your GREEN Corner where you belong.

PANLASA




Una ilagay ang bawang at sibuyas upang kilatisin ang amoy ng kanyang hamak

Isunod ang makukulay na gulay na magpapasarap at magpapakilig ng kanilang panlasa  sa isa’t-isa

Matapos nitong ilagay, isunod ang pampaasim at pampaalat

Ibuhos mo ang tubig para mag-umapaw ang pagmamahal

Intaying kumulo hanggang sa maluto ito at matikman ang talik at tamis na panlasa

Hayaang iba ang humusga para mainggit naman sila.


Deplete and unfilled conduce steel 


Steel Might be fool as man can be, 


But will never be man over 7, 107 islands 


Stuck by words and verdict 


So do I have to leave the box and change for a better?

Martes, Setyembre 10, 2013

NAPOLES! NAPOLES! NAPULIS! NAPULIS! NAKULONG!



ALAM KONG MAHABA ITO PERO NASASAY YUNG KUNG BABASAHIN MO..PERO WAG MO KONG SISIHIN SA GINAWA KO..ITO'Y ISANG KATHANG AKIN LAAANG....WAG KA SANANG MAGREREKLAMO SA AKIN NA "BORING" ANG GINAWA KO...BASTA KAPAG TUNGKOL KAY


NAPOLES ANG USAPAN ETO AKO AT NAGLALAGLAB!!:)))








Sa anak ni NAPOLES na dala-dala ang karangayaang buhay na dapat ay natatamasa rin ng ating kababayan at bansang sinilangan...

HALATANG-HALATA naman SA NAGKIKISLAPANG SAPATOS NA SUOT MO KUNG GAANONG KARAMI ANG PERANG NANAKAW NYO........


Sa anak ni Napoles na nagdulot at nagbigay ng daan para makita ang tunay na dinadaluyan ng pera na sa mga bulsa ng mga BABOY AT BUWAYANG POLITIKO NA NAPAPAPUNTA...DOON AKO'Y NAGPAPASALAMAT! :)

SAPAGKAT IKAW ANG NAGING SOLUSYON AT KASAGUTAN SA LAHAT NG KATUNGAN SA KURAPSYON NG ATING BANSA!!YUN NGA LANG SORRY TO SAY PATI KAYO AY NADAMAY!!

PERO MAY GOOD NEWS NAMAN SA GINAWA MO MAKIKILALA NA RIN NG MAMAMAYANG PILIPINO KUNG SINO ANG TUNAY NA BUWAYA NA LUMULULON NG PERA NG BAYAN...

...sino kaya sa kanilang magsasabing "INUSENTA AKONG TAO, POLITIKO, NASA DAANG MATUWID TAYO"... pwede ba tama na ang eksena na nyong walang kwenta...NANDITO NA ANG MAMAYANG PILIPINO SUSUGPO SA MGA ANOMALYANG GINAWA NYO AT SA PAGPAPABAYA NYO SA ATING BANSANG PILIPINAS NA NANGULELAT NA SA MUNDONG TINATAPAKAN.....


....SA LAHAT NG MAAKUSAHAN NG "GUILTY" SA KASNG PANDARAMBONG DUN KAYO SA PANATAG SHOAL O SCHARBOROUGH AT SUMAMA SA BANSANG CHINA PARA MAKI-AGAW NG TERITORYO O KUNG GUSTO NYO SA MINDANAO NA LANG AT SUMAMA KAU "KNOR" ESTE NUR PALA PARA SILA NAMAN ANG INYONG UTAKAN.....


balik tayo kay ANAK NI NAPOLES....

tuwang-tuwa naman ako sayo anak ni aling NAPOLES kasi naunahan mo pa kong sumikat kaysa sa akin...biruin NAG MALA MODEL KA SA INSTAGRAM ACCOUNT MO KASAMA ANG MAMAHALING SASAKYAN AT IBA PANG KAGAMITAN AT EKEK AKSESORYA...ISANG CLICK LANG NILA BUONG PILIPINAS GINIMBAL MO SA MGA PASABOG MO!ASTIG KA GINISING MO ANG KATAWANG LUPA NAMIN!!


SALAMAT SA LIMOUSINE MO

HERMES MO..

DOLCE AND GABBANA MO AT SA LAHAT LAHAT NG GAMIT MO NA INIHARA MO SA SOCIA NETWORKS! KUNG HINDI DAHIL SAYO HINDI MAKUKULONG AN NANAY MO!:)


teka, nagtataka lang ako huh..BAKIT LAHAT NG SANGKOT SA KURAPSYON NAG KAKASAKIT NG BIGLAAN SAMANTALANG NUNG DI SILA NAKA KULONG SARAP BUHAY...KUNG SI GLORIA ANG NAG MUKHANG NARUTO WITH MATCHING HOSPITAL ARREST AT WHEEL CHAIR AT SI CORONA AY TEARY EYES NA HABANG BINABASA ANG HATOL SA KANYA WITH WHEEL CHAIR DIN..ANO NAMAN KAYA ANG KAY NAPOLES? I WONDER? SIGURO NAKA WHEELCHAIR DIN SYA TAPOS NAKA BRACE ANG KATAWAN NYA TAPOS UMIIYAK PA SYA TAPOS BLOOD PRESSURE PA NYA..ANO KAYA KASUNOD NUN?


anyways, feeling ko lang huh magkakaroon na ng FUN RUN NA NAKA WHEEL CHAIR in the future pa yan, propose project ko yan kay ALING NAPOLES na sumama na sa KAGAWARAN NG MGA KURAKOT NG NAKA WHEEL CHAIR...KASAMA NYA SI "I AM SORRY" ALING GLORIA AT ANG TUNAY NA NAGMAMAY-ARI NG "CORONA" NG BEAUTY PAGEANT..... SINO PA KAYANG GUSTONG SUMALI SA KANILA?


GUMAYA SA KANILA? MALAMANG SA SENADO NA ANG SUNOD NA SASALI SA KANILANG FRATERNITY!:)

Linggo, Setyembre 1, 2013

OVERCOME DEPRESSION

Sa gabing ito gusto kong maglabas ng isang saloobin sa mga taong matyaga kaming pilit idinidiin sa panghuhusgang pang-alipin, mga mapang-alipusta sa amin at mga taong tingin sa sariling walang kakulangan sa kanilang katauhan na ito naman ay marapat dinggin ng lahat upang mabago ang natatanging pagtingin sa mga katulad kong hindi ginusto ang ganitong posisyon sa buhay.

Ako ay may isang kwento, isang karanasan sa buhay ko na hindi ko lubusang mapagtanto sa aking sarili NA GANITO NA PALA KASAKIT ANG TAO MANAKIT..DI NAMAN NILA SA PANG AAMOK GINAGAWA NGUNIT SA MATATALAS NA LETRA NAGMUMULA ANG KUMUKUBLI SA AKING KALULUWA AT MAGING SA AKING EMOSYUNAL NA BUHAY....

ako'y nagkatrabaho sa isang sabihin na nating mataas at kilalang kumpanya dine sa Pilipinas diyan sa may parteng southern tagalog sentro ng kapeng barako! at ng mga barakong parak at perpektong tao na nalikha ng ibang Diyos o lider ng mga kulto!

I swear! akala ko talaga dun na ko tutubuan ng puting buhok sa sobrang ganda ng work place at the same time sobrang saya! and family oriented!pwede pang magkaibigan kayo pero magkalaban kapag may kleyente na dumadating sa loob ng opisina!

pero nung dumating ang 2nd week ng trabaho ko at ililipat ako sa ibang klaseng grupo (grupo ng mga plastik ata yun na nakangiti lang sa akin pag nakaharap ako pero kapag nakatalikod ata ako ginegera nila ako!)
na mapapa assign ako sa LIPA at makasama ako dun....sympre panibagong grupo panibagong BOSS!

sa totoo lang ayaw ko sa timpla nung BAGO kong BOSS nung nagkakilala kami sa opisina nung araw na rin na yun na napaassign ako sa lalakeng ito! oo lalake sya!sympre may kemeng WELCOME para sa akin na sabi nya sa akin "WELCOME TO LIPA GROUP", sabay BANAT! sa akin ng TANONG!


BOSS: gusto mo ga sa aming grupo?

AKO: kung ano pong desisyon nyo dun ako....(pa humble gusto ko na atang sabihin na ayaw ko na...kung di lang ako inassign nI ASST. GEN. MANAGER dito sa group mo di talaga ako magpupumilit dito)

BOSS: sa totoo laang ayaw ko nang magdagdag pa sa grupo

AKO: kemeng SMILE. NAKIKITAWA. pero deep inside pucha! gusto ko nang umiyak dahil di ko naman ginusto na sumamasa inyo!!!

BOSS: ako kasi ay may na encounter na BAKLA na sabihin na nating kagaya mo na BAKLA na kasama ko sa group ko dati nagkasagutan kami kasi sa sobrang galing may iiniinsist sya at laging gigil sa pakikipag talo sa akin ay MALI naman sya, AKO ANG BOSS NYA KUNG MAKAPANAGOT akala mo sya ang boss!,,,ang ibig sabihin ko baga aya ayaw ko rin sanang mangyari ulit yun,,,ayaw kong maulit ulit yun.....

AKO: (gusto ko mag salita pero ayaw ko baka mawalang ako ng respeto da BOSS NA ITO at sabihing wala akong ethics) pucha! di mo pa nga ako kilala agad mo nang naikumpara ang sarili ko sa iba! hanep ka rin hun!!! porket BAKLA MAGKAKATULAD NG UGALI? DI BA PWEDENG KILALANIN MO MUNA AKO BAGO MO KO HUSGAHAN AT IKUMPARA..KUNG MAKAPAG KUMPARA KA AKALA MO MAGALING NA MAGALING KA NA.....(GUSTO KO TO ISAGOT)

ETO PA ANG BANAT!

BOSS: KAYO MGA BAGO DI MAN LANG KAYO MARUNONG GUMALANG SA MGA BOSS NYO, NAKITA NYO NA NGA NA DUMADAAN KAMI SA HARAPAN NYO DI NYO MAN LANG KAMI BINABATI! DI GANYANG ANG GRADUATE NG LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSTIY- BATANGAS...

AKO : ABA NANDAMAY PA NG UNIVERSITY!(GUSTO KO SABIHIN)PANO KA BA NAMIN BABATIIN EH MUKHA MO PA LANG DI KA APPROACHABLE..TSAKA KUNG BABATIIN KA MAN NAMIN PARA KAMING HANGING UMINGAW NA HINDI MO KAMI NAKIKITA KASI LAHAT NG NAKIKITA MONG TAO "PERANG DUMADAAN" EH ANO BA KAMI BARYA PA LANG KAMI...

ETO PA ISA PA, LAST NA!

BOSS: GUSTO NYO BA MAKASAMA SYA (AKO) SA ATING GRUPO?,

AKO: ANAK NG P*** dito nga ako dinala ni asst. gen. manager sa inyo tatanong ka pa eh wala ka na rin namna magagawa kasi yun ay utos ng boss mo!

after ng buong araw na yun!nag pasya na akong hindi pumasok kinabukasan at hindi na nag paramdam pa sa lugar na yun kung saan ko nakita noon ang salitang AKALA......

akala ko masya
akala ko pamilya sila
akala ko kaibigan sila
yun pala isang TAONG SOBRANG MANGHUSGA AT MANGUMPARA SA IBA
MARAHIL SA TINGIN NYO WALA LANG ITO SA INYO,,,PERO SA PUSO AT DAMDAMIN KO NASASAKTAN AKO...DAHIL DUN KO NARANASAN ANG GANUNG DISKRIMINASYON SA TRABAHO!!!

OKAY LANG SA AKIN KUNG SA AKIN NYA LANG SINABI YUN PERO HINDI EHHHHHH MAY MGA KASAMA PA SYA DUN...NANDUN DIN ANG ISA SA SALES GROUP MANAGER TAPOS NANDUN DIN YUNG FINANCE./ADMIN TAPOS YUNG ANIM KO PANG MAGIGING TEAM MATES!!!SINO ANG NAKAKAHIYA!!

DI KO NAMNA KAILANGAN I[AGSIKSIKAN ANG SARILI KO SA GRUPO MO BOSS
KUNG AYAW MO TALAGA SA AKIN...NOH...EH SINO ANG NAWALAN,,,,,

AKO BA???TANDAAN MO BOSS DI MO PA KO KILALA KUNG GANO AKO KAPURSIGIDO SA GAWAIN LALO NA ITO ANG GUSTONG LANDAS AT KAPALARAN MAPAPUNTA SA "SALES"
di ko na hahamakin maging part ng kumpanya mo kesa naman maging masalimuot ang buhay at pagkatao ko sayo!

PARA AKONG NAKAUPO SA SILYA ELEKTRIKA ANYTIME KUKURYENTEHIN KA NG MASASAKIT NA SALITA NA KAPAG HINDI MO NAPIGILAN ANG SAKIT NITO BIGLA KA NA LANG MAIIYAK AT SISIGAW!!!

BAKIT KAYO MGA KAPATID? GINUSTO NYO BANG MAGING KAGAYA KO?

MINSAN ANG BUNGANGA NG TAO NAKAKSAGA SA NA PORKET MAY POSISYON KA GINAGAMIT MO NA SA MASAMA PARA LANG MAPASYA MO ANG SARILI MO!!!!

SOBRANG SAKIT NYO MAGSALITA!!!

Mamuhay man ako sa lugar na puno ng kasiyahan nariyan pa rin ang mga buwayang sasaktan ka sa pisikal na anyo mo at sympre sa salitang nakakapangiyak na sa twing maririnig mo nang pumutak ang mga panabong na tao.

Masarap sanang mamuhay sa mundong pantay-pantay sa buhay
yung walang ganitong buhay na di ka puno ng diskriminasyon
yung tipong masaya lang tayong lahat at nag kakaisa
dun siguro ako magiging Maligaya ako sa twing makakasama ko ang mga taong may kanya kanyang kulay ang kalagayan

BUKOD PA DYAN MAY NANGYARE PA MATAPOS YUNG ARAW NA ITO.....

--------------------ABANGAN NYO NA LANG ANG KASUNOD NITO------------------


















Martes, Agosto 27, 2013

YOU GOT TO BE PERFECT!


Sa buhay na bigay sayo ano ang nasa isip mo?
Ano na ang nagawa mo na mabuti o masama? 
lamang ba ang masama kumpara sa mabuti? 
Ano mahalaga sayo ang tinitbok ng puso mo? o 
Ang sinasabi ng isipan mo? 

TAO ka ba na umasta o sadyang TAO ka lang sa pisikal na anyo pero ang kaluluwa mo naman ay nababalot ng itim na enerhiya with matching matutulis na sungay na kayang sumuwag kahit hindi mo kaaway..

o sabihin na rin nating mapanghusga ka sa kapwa mo, di excuse na kasama mo si lucifer kaya nagagawa mo ito, kasi kasama mo rin naman si archangel para gumawa ng tama....

pero bakit nagagawa mo rin pa rin makasakit ng tao kahit di mo sila sinasaktan..

basta makapag salita ka lang tinalo mo na ang kabutihan na para bang ikaw ang tunay na katotohanan at ang buhay na gumagampan sa luho ng kadiliman....
sa lahat ng sinabi ko ito ang reklamo ko sa iyo

bakit ba ang init-init ng ulo mo kapag BAKLA na ang sinasaktan mo?
Porket ba BAKLA magkakatulad na rin kami ng mga pag-uugali kagaya ng mga na encounter mo?
hindi ba pwedeng kilalanin mo muna ako bago mo ako husgahan?
di ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo kung ayaw nyo sa BAKLA well wala akong magagawa.
yan ang dulot mo sa pang iinsulto mo sa ka-uri ko!grabi ka magsalita masakit at wagas hanggang kaluluwa...
para mo na rin kaming isinumpa!di namin kasalanan kung ganito kami kaya't pag pasensyahan mo nyo na kung malupit ang naging hatol sa aming kasarian..wala na akong magagawa kundi tanggapin namin/natin ng bukal sa ating kalooban ang pagtanggap sa katulad naming nakakaranas ng diskriminasyon sa buhay...

sa pinaka huli muli ito ay iyong pag nilayan...


sa lahat ng tinanong ko sayo masasabi mo bang ikaw ay PERPEKTO?

PERPEKTO sa katauhan hindi sa PANGALAN ha...

...sa angulo ng pagkatao mo
...sa ritaso ng kaluluwa mo
...sa pagtingin mo sa ibang kagaya mo

Ano PERPEKTO KA NA BA???


kung perpekto ka karapat-dapat kang sambahin ng mga kulto at kung sinong taong ulol sa mundo!


Sabado, Agosto 24, 2013

"kalembang ng kalawang na lata katumbas ay isang magandang musika para sa baryang magpupuno ng kumakalam na sikmura" ()

Sa bawat pag kandili ng tambol na dala-dala nila...
Sa bawat bigat ng hampas sa paglikha ng naiibang tunog sa lansangan...
Kaakibat rin nito ang pagtunog ng kumakalam na sikmura....

Sa araw-araw na maruming hangin ang nalalanghap nila 

katumbas nito ay isang maginhawang tubig na pumipinid sa kanilang nauuhaw na lalamunan.....

....Ikaw maswerte ka at may naiinom ka na malinis pa sa iniinom nila,

kahit ilan pa ang gustuhin mo magagwa mo, 
samantalang sila konting hingi sa iba..
o makikinom lamang itinataboy na, 
ang swerte mo kumpara sa kanila.

Sa pakikibaka nila sa hamon ng buhay 

Ang natatanging hanapbuhay nila ay  sumampa at gumawa ng eksena sa rumaragasang jeep 
na punong-puno ng tao,
Iba't-ibang ugaling matutunghayan
may mabait,
may good samaritan, 
may mataray, 
may sakim at walang pakialam sa kanilang kalagayan

...OO nga naman bakit nga ba magbibigay ang mga pasahero sa kanila eh kung tutuusin di nila ito problema, pero hindi mo ba naisip na sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay maswerte ka kumpara sa kanya?


kumakain ka ng masasarap na pagkain at 3x a day pa,  minsan nga  5x a day eh while watching tv eh samantalang sila 1 to 2x a day lang minsan wala pa...


....sa halagang piso o limang pisong hinihingi nya sayo 

malaking tulong na ang naibigay mo 
pamatid uhaw rin ito para maibsan ang kumakalembang na tyan...

......pero nasasayo pa rin yun kung magbibigay ka......



Maaring Tama ka oo na palaboy nga sila...

...mga palaboy na humihingi ng awa at habag sa lipunan para lang kumita ng kumakalansing na barya sa eksenang kanilang dala-dala 
pero kung tuuusin kapag nakita mo sila marami kang mapapagtanto sa sarili mo.,,mas masasabi mo rin na maswerte ako at hindi ko nararamdaman ang kahirapan nila sa buhay..mas maswerte ako kasi ako nakapag-aral o kesyo ganyan...



eh sila kaya kailan suswertehin katulad mo???


Huwebes, Hulyo 11, 2013

PATIENT for ACTION!

Can you imagine yourself having a medication Health care like this?...together with the mosquitoes out there  and other insects in the hallway? would you try to be here and feel better?I feel pity to all the patients out there! Hoping for government actions!!! BATANGAS REGIONAL HOSPITAL for action please! 






Miyerkules, Mayo 29, 2013

KAHABAGAN NAWA NYA TAYO SA LAHAT NG MGA KASALANANG GINAGAWA NATIN SA KANYA.PATAWAD PO PATAWAD...

Hindi ko lang po alam kung ano po ang nangyayayri sa ating lipunan sa ngayon…marahil nawawala na nga po ang salita RESPETO sa mga nakatatanda sa atin at lalo’t higit ang pananampalataya ng iba sa sinasamba natin….
Ngunit ako’y may isang tanging ikinalulungkot sa panahong mayroon tayo lalo’t higit sa Bansang Pilipinas na ipinaglabanan ang RH Law ISANG KONTROBERSYAL, BAKA SA dahilang TAYO na lamang at ang bansang ROMA/Italya ang wala pang ganitong batas. Kulang na nga ba at nawawala na nga ba ang salitang PANANAMPLATAYA SA KANYA?…
Sa kabilang dako, ito na marahil ang pinakamasaklap at masakit sa pakiramdam ng lahat ng KATOLIKO na may paniniwala sa Diyos na makikita saLITRATO NA KINALUBAHANG IKINALUNGKOT KO AT NASAKTAN AKO SAPAGKAT ISA SYA SA MGA NAGBIGAY SA AKING BUHAY NG KULAY NG PAG-ASA, PANANAMPLATAYA AT LALO’T HIGIT ANG PAG-IBIG NA IBINIGAY NYA SA BUONG SANGKATAUAHAN…….MASAKIT TINGNAN AT TITIGAN ANG LITRATO „„„„„„„ang BASTUSIN ang ating Diyos sa iba’t-ibang uri ng pamamaraan……MARAMI ang nagsasabi sa mga KATOLIKO BAKIT KAYO SUMASAMBA SA STATWA na yari sa kahoy?….MARAMI NA RIN ANG NAGSASABI BAKIT MAY SANTO ROSARIO TAYONG GINAGAWA PERO WALA NAMAN ITO SA BIBLYA? isa lamang po ang masasabi ko sa inyo BASAHIN PO NATIN ANG NILALAMAN NG BANAL NA KASULATAN SA BIBLYA AT DOON MATATAGPUAN NATIN ANG ATING MGA KATANUNGAN SA BUHAY…..
TAYO NAMAN PO AY MAGKAKATULAD LAMANG NG SINASAMBA AT INAALAYAN NG PANANAMPALATAY ANG KAKAIBAHAN NGA LANG PO NITO AY IBA’T-IBA ANG TAWAG SA ATIN MAY KATOLIKO, MAY IGLESIA, MAY BORN AGAIN AT KUNG ANU-ANO PA NGUNIT ISA LAMANG ANG ATING BINABANGGIT HESUS…PANGINOON AT KUNG SINU-SINO PA…..
HAYY PASASASAAN PA NGA BA ANG SINASABI KO RITO EH MALABO RIN NAMAN ATA ITO MAININTINDIHAN NG KARAMIHAN SA ATIN…MARAHIL MARAMI ANG MAG KUKUMENTO KUNG BAKIT NGA BA GANITO NA TAYO SA ATING HENERASYON…SIGURO MARAHIL NA RIN SA KAKULANGAN NG PAGPAPAUNLAD NG KANILANG SARILI NA ALAMIN KUNG SINO NGA BA SI HESUS AT ANG BUHAY NYA LALO’T HIGIT ANG KAKULANGAN NATIN SA PAGTITIWALA AT PANANAMPALATAYA SA KANYA.

Linggo, Disyembre 16, 2012

ISIPIN


Ako'y nagugulumihani sa tuwing pangalan mo ang tumatakbo sa aking isipan.
Naguguluhan, Nalulumbay, Napapagod
hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo sa tuwing ako'y mag paparamdam sayo.
Manhid ka lang ata,
hindi mo maramdaman ang ipinapakita kong pagmamahal.
eto naman ako hindi pa rin tumitigl
kahit masakit na masakit na sa pusong tugatib at nag didilig ng pagmamahal sayo.
Bulag ka rin ata sa tuwing ako'y lalambing sa iyo
o baka naman Bingi ka na rin sa mga sinasabi ko
 na MAHAL KITA, ikaw lang at wala nang iba.
O sadyang ako lang ang nagmamahal sayo at ikaw naman kaibigan turing mo.

Nandito pa rin ako nag iisip sayo
nagmamahal sayo
at maghihintay pa rin sayo
hanggang sabihin mong MINAHAL mo rin Ako kahit papano.

Bingi o Bulag ka man eto ako nagpaparamdam, Nagpapakasakit
para makita at marinig mo rin ang tono ng puso ko
Marahil Manhid ka pa hanggang ngayon
naniniwala ako na may hangganan ang pagka MANHID mo. . ,. . .

every time I'm thinking about you I feel so damn idiot

Sabado, Disyembre 15, 2012

The morning that I exist
and never ever resist,
pain and lust kill my love
numb to be define



FADES



It seems too late to know that I love you
That day was never ending curve of smile you’ve showed
It was never ending cackle while a gray ash follows the wind

All day and all night every time you were not in my eyes I feel so nervous
It was like losing up day and night.
I never fail to gave care and love to you
But you never feel what I wanted to say just I love you
You unveiled to be numb but still I love you

So, until the last day of verdict of my feelings was still unquestioned
I should stop not to be hurt
I should move to find someone
And keep shakin to love someone else who’s ready to accept me and love me publicly and proudly say I LOVE YOU JUNE.