Isang araw na naman ng panimula, Isang araw na naman na nakaupo sa paborito kong sofa nakatingin sa parisukat na puno ng iba't-ibang karakter sa araw-araw na pagsubaybay sa simpatya ng tao. hanggang dito na lang ba ako sa apat na sulok ng pamamahay namin?, Kailan kaya ako aayain ng aking kapalaran na dalhin sa mabuti at masaganang pag-aani ng tagumpay sa buhay? sabi nila, maaaring bukas, sa makalawa o hindi na talaga.
dalangin ko sa Maykapal na sana gantimpalaan nya ko ng isang gintong trabaho na kung saan lahat ay makikinabang hindi lamang ang aking pamilya bagkus ang adbokasiya kong matulungan ang mga batang laman ng lansangan, nakapinid sa ibabaw ng nag-iinit na daan, sumasabay sa baryang kanilang nahahawakan. kailan kaya didinggin ng Diyos ang panalangin ko sa kanya? sa debosyon ko na lang ng paghihintay ang aking makakayang gawin.
sabi ng karamihan na kapag nakakita ka raw ng "uwak" ikaw daw ay mamalasin sa araw na iyon pero bakit ako nakaka lima sa isang araw kung magkita nun? di naman ako minamalas sa araw-araw ko na makita ang mga "uwak" di nga ako minalas sa araw-araw pero sa trabahong aking hinahanap dun siguro masasabi ko na malas ako. Sa lahat ng pagkakataon walang oras at araw na hindi ko ginalingan. hiyang-hiya na nga ako sa mga magulang ko sa loob ng limang buwan na nakabinbin ako sa kanilang pude na walang ginawa kundi kumain.matulog.lumayas.maligo paulit-ulit para akong si NAPOLES sa tuwing napapaisip ako ng ganito nakakulong sa selda, di naman makaalis at makapag hanap ng trabaho sa kawalang suporta nila, ano ba naman ang magagwa ko anak lang ako na sumusunod sa gusto nila. ayaw nila ko mag trabaho sa callcenter sayang lang daw pinag-aralan ko sa communication dapat di na lang daw ako pumasok ng college. hayy mga magulang nga naman super napakataas ng expectation sa kanilang mga anak.ewan ko ba kung anong gustong gawin ng aking mga magulang sa akin....basta ang alam ko kung hindi ako magtagumpay sa plano ko sa buhay alam ko nandyan si Lord na magpupuno at tutupad sa aking mga plano at pangarap
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento