Sabado, Agosto 24, 2013

"kalembang ng kalawang na lata katumbas ay isang magandang musika para sa baryang magpupuno ng kumakalam na sikmura" ()

Sa bawat pag kandili ng tambol na dala-dala nila...
Sa bawat bigat ng hampas sa paglikha ng naiibang tunog sa lansangan...
Kaakibat rin nito ang pagtunog ng kumakalam na sikmura....

Sa araw-araw na maruming hangin ang nalalanghap nila 

katumbas nito ay isang maginhawang tubig na pumipinid sa kanilang nauuhaw na lalamunan.....

....Ikaw maswerte ka at may naiinom ka na malinis pa sa iniinom nila,

kahit ilan pa ang gustuhin mo magagwa mo, 
samantalang sila konting hingi sa iba..
o makikinom lamang itinataboy na, 
ang swerte mo kumpara sa kanila.

Sa pakikibaka nila sa hamon ng buhay 

Ang natatanging hanapbuhay nila ay  sumampa at gumawa ng eksena sa rumaragasang jeep 
na punong-puno ng tao,
Iba't-ibang ugaling matutunghayan
may mabait,
may good samaritan, 
may mataray, 
may sakim at walang pakialam sa kanilang kalagayan

...OO nga naman bakit nga ba magbibigay ang mga pasahero sa kanila eh kung tutuusin di nila ito problema, pero hindi mo ba naisip na sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay maswerte ka kumpara sa kanya?


kumakain ka ng masasarap na pagkain at 3x a day pa,  minsan nga  5x a day eh while watching tv eh samantalang sila 1 to 2x a day lang minsan wala pa...


....sa halagang piso o limang pisong hinihingi nya sayo 

malaking tulong na ang naibigay mo 
pamatid uhaw rin ito para maibsan ang kumakalembang na tyan...

......pero nasasayo pa rin yun kung magbibigay ka......



Maaring Tama ka oo na palaboy nga sila...

...mga palaboy na humihingi ng awa at habag sa lipunan para lang kumita ng kumakalansing na barya sa eksenang kanilang dala-dala 
pero kung tuuusin kapag nakita mo sila marami kang mapapagtanto sa sarili mo.,,mas masasabi mo rin na maswerte ako at hindi ko nararamdaman ang kahirapan nila sa buhay..mas maswerte ako kasi ako nakapag-aral o kesyo ganyan...



eh sila kaya kailan suswertehin katulad mo???