Lunes, Enero 13, 2014

"ANG PAGTAWAG"


        Sa aking paglalakbay patungo sa hangarin na gusto ko may isang bagay ang inaasama-asam kong gawin na hinding-hindi ko kayang pasukin dala nang aking  masidhing katauhang tinataglay.

        Lumipas ang ilang oras may hanging umihip sa aking katauhan upang ihatid ang isang napaka halagang tao sa aming buhay papunta sa kanyang pinapasukang eskwelahan ang "seminaryo", kitang-kita sa kanya ang galak at tuwa na tila ba na isang ala-alang di nya malilimutan na parang kami ang tumayong magulang nya papunta sa tahimik ng kabanalan.

        Habang rumaratsada kami sa daan patungo sa kanyang kalungkutan/kagalakan.kasiyahan sinulit nya ang oras na kami ay kasa-kasama nya nandun ang masidhing kwentuhan na may halong kadramahan na mamaya'y mauuwi sa iyakan at tawanan, binusog kami ng seminaristang ito ng isang masayang baon pauwi ng aming mga tahanan ngunit iiwanan naman namin sya ng isang malungkot at masyang ala-ala na paghuhugutan nya ng lakas ng loob sa pagpasok nya sa seminaryo.

      Nakarating na rin kami sa wakas sa lugar na makabasag pinggan ang katahimikan sa puntong iyon doon ko naramdaman na para ba akong naulila nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kasiyahan at kagalakan sa pagbabalik sa tahanan ng relihiyoso eto ako masaya kaharap nila pero sa loob ko para akong tinutusok ng karet ni satanas na sa sobrang hapdi at sakit gusto mo nang sumigaw at umiyak.

        Masakit, mahirap ang tiisin ang isa sa pangarap mo na maging kabilang nila ngunit hindi ito pwede dahil sa mata ng sangkatauhan isa akong malaking kasalanan at kahihiyan dahil sa katauhang aking dala-dala....
Isang pagsisisi ang nasa aking kaisipan na kung bakit nga naman ako sumama pa sa paghahatid sa kanya yan tuloy nabuhay na naman ang pagtawag nya sa akin...

         Sa mata siguro ng Diyos hindi ako kasalanan na pasukin ang pagpapari pero sa mata ng kaparian nandoon ang mainit at nanlilisik na mata sa pagkamuhi at ang hindi pagtanggap... Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang presensya ng kalungkutan habang ginagawa ko itong bawat salita at letrang aking isinusulat katumbas nito ang hikbi at luhang nananalaytay sa aking mukha masakit pa rin hanggang sa ngayon.

          Hindi madaling itanggi o itago sa sarili at sa iba ang pagka humaling mo na pumasok  at maging bahagi ng isang institusyon na puno ng kabanalan na kung saan naroroon talaga ang aking puso ang seminaryo. Wala akong magawa kundi tumingin at makitawa sa kanila pero sa kalooban ko damang-dama ko ang kainggitan sa kanilang mga mukha na pawang seminarista lang ang makakagawa.

Isang katanungan ang sumagi sa aking muwang na kaisipan sa puntong nakita ko silang lahat....

MATATANGAP KAYA NILA AKO?
ANO KAYA ANG KAHIHINANTNAN NG BUHAY KO?
DI BA LAHAT NAMAN PWEDENG MAGBAGO KUNG GUGUSTUHIN MO at PAGSUSUMIKAPAN MO?

          Pangarap ko rin umakyat sa altar at magmisa sa parokyano, pangarap kong mag homiliya katulad ng paring napapakinggan ko mag homilya sa ngayon homiliya sa mga kabataan ang ginagawa ko ang pagbabahagi ng buhay ko kasama si Kristo at mga ala-alang nagpapatunay na buhay si Kristo sa ating pang-araw-araw na buhay hanggan dun lang siguro ako.

Nakalulungkot ito para sa akin sapagkat nandun ang presensya  ng pagtawag ng Diyos at kagustuhan  ngunit di ko magawa sapagkat ako ay puno ng pagkabahala at kawalang tiwala sa sarili, siguro hanggang sa huli ito ay aking pagsisisihan dala-dala hanggang sa ako ay mahimlay.


hanggang pangarap na lang ako............


HANGGANG SA MULI....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento