Biyernes, Setyembre 2, 2011

SILYA ELEKTRIKA

Buhay ang kinuha, buhay di ang kapalit sabi nga nila….
Sa panahon ngayon marami ng kaguluhan ang tinatamasa ng ating bayan, marami na rin ang nananakawan ng kaligayahan at kalayaang mabuhay sa ating bayan dahil sa mga taong ganid sa kapangyarihan at karangyaan. Napapanahon na nga ba na ibalik ang silyang kumikitil ng buhay sa mga taong makasalanan?
Gera sa mindanao, putukan, patayan, saksakan, barilan, at sabugan lahat ng ito ay dumadaan sa  pagdanak ng dugo, nag bubuwis ng buhay ang mga taong walang kasalanan. Ito ang isa sa pinaka mabigat at pangunahing problema na kinakaharap ng sambayanan….



Noong nakaraang taon sumikat ang hostage taking sa quirino grandstand ngayon patok na patok ang carnapping at panununog ng katawan!!! Imagine, habang tumatagal lalong lumalala ang sakit ng taong makasalanan. Dahil ba ito sa kahirapan ng buhay kaya nila nagagawa ito? O dahil ito sa kakulangan ng seguridad ng bayan  o sa kapalpakan ng ating pamahalaan.
Paano natin maririsolba ang ganitong kalagayan sa bansa…gayong pati ang kapulisan walang magawa. Mga pulis na bulag sa katotohanan. Gumagawa nga ng aksyon palya naman at walang kwenta, dumating  nga sila tapos na ang eksena, anong klaseng mga pulis meron tayo? Hindi sibilisado. Puro sila nakatunganga, kurakot,at panay ang upo wala naman ginagawa.sira na ang silya di pa nakakagagawa ng mabuti sa kapwa.saka lang gagawa ng aksyon pag nangyare na at may kamerang nakatutok sa kanila.mag papatupad ng check point sa buong bansa at  mag papahightend alert. Puro late reactions lang ang lahat ng ginagawa nila.

Sanay magising na sa katotohanan ang lahat ng mga makapangyarihan sa ating bayan, mga nakaupo sa senado, pamahalaan at kapulisan naway marinig nila ang hinaing ng bawat sangkatauhan, magising sa katotohanan, at makita ang kalagayan ng ating bayan..
  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento