Buhay na buhay ang yaman ng bansa sa lugar kung saan maingay ang busina ng mga sasakyan, madaming matataas na gusali, maruming usok na nalalnghap sa oras na kailangnan mong huminga at mga taong nakahiga sa langsangan na naghahanap ng kanilag kapalaran sa gitna ng kalamidad at sa hirap ng buhay.ito ang MAYNILA na kakaiba sa aking kinagisnan at kinalakikahan kung saan sa BATANGAS malalanghap mo ang sinsay ng sariwang simoy ng hangin at tahimik na probinsya na pinapangarap ng bawat isa. maunlad na probinsya malayong malayo sa kaunlaran ng MAYNILA.
Sa aking paglalakbay sa buhay nang katotohanan dito sa MAYNILA makikita mo ang iba't-ibang uri ng buhay na iyo mismong mapapagtanto na maswerte ka at nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, may malambot na kamang aakap sa iyo habang ikay natutulog samantalang sila lansangan ang kama at unan, puno ang kandungan o maliit na pahingahan ng bawat isa.
Sa realidad na ito dito ko napatunayan na marami pa rin akong mga bagay na kulang at hindi natutunan, maraming tanong ang paikot-ikot sa aking utak na hindi ko maintindihan o mahanapan ng sagot at dito naramdaman kung gaano kahirap pumasok sa butas nang karayom para lang makaahon ka sa lahat ng dagok sa buhay.
May mga magdalenang nagbibigay saya sa bawat kalalakihan ipinagkakanulo ang sariling katawan para kumita ng pera at may maipakain sa pamilya,
May mga batang nasa lansangan nagbebenta ng sampaguita, yosi, kendi at kung anu-ano pa para may maibigay sa kanilang iresponsableng ina at ama at kapag hindi nakauwi ng walang dala humanda na sila sa parusang ipapataw sa kanila.
May mga matatandang baliw nga ba o nagbabaliw baliwan para makakuha ng atensyon ng iba upang maunawaan ang buhay nila.
mahirap unawain ang buhay rito kailangan pa ng teorya para malutas ang kaso sa kahirapan ng tao rito..pero papaano nila nasasambit sa telebisyon o radyo na maunlad at mayaman ang bayan na ito? ito ang depinisyon ng masaganang MAYNILA mayaman sa KAHIRAPAN, MAHIRAP sa KATOTOHANAN.
Bilib rin ako sa mga tao rito kasi sa kahit anong unos ng problema ang dumating sa kanila NGITI ang papawi sa lahat ng ito na nagpapatatag ng loob sa buhay ng BAWAT ISA.
Diyos ang Sandigan ng bawat isa at pag-asa ang KAAGAPAY nila sa pagharap nila dito ako humahanga sa mga taong nakikipag sapalaran sa buhay marahil mahirap man sila mayaman naman sila sa pananampalataya at pag-asa na maiahon ang sarili nila sa problema bumabangon dahil sa katibayan ng loob sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento