Linggo, Disyembre 16, 2012

ISIPIN


Ako'y nagugulumihani sa tuwing pangalan mo ang tumatakbo sa aking isipan.
Naguguluhan, Nalulumbay, Napapagod
hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo sa tuwing ako'y mag paparamdam sayo.
Manhid ka lang ata,
hindi mo maramdaman ang ipinapakita kong pagmamahal.
eto naman ako hindi pa rin tumitigl
kahit masakit na masakit na sa pusong tugatib at nag didilig ng pagmamahal sayo.
Bulag ka rin ata sa tuwing ako'y lalambing sa iyo
o baka naman Bingi ka na rin sa mga sinasabi ko
 na MAHAL KITA, ikaw lang at wala nang iba.
O sadyang ako lang ang nagmamahal sayo at ikaw naman kaibigan turing mo.

Nandito pa rin ako nag iisip sayo
nagmamahal sayo
at maghihintay pa rin sayo
hanggang sabihin mong MINAHAL mo rin Ako kahit papano.

Bingi o Bulag ka man eto ako nagpaparamdam, Nagpapakasakit
para makita at marinig mo rin ang tono ng puso ko
Marahil Manhid ka pa hanggang ngayon
naniniwala ako na may hangganan ang pagka MANHID mo. . ,. . .

every time I'm thinking about you I feel so damn idiot

Sabado, Disyembre 15, 2012

The morning that I exist
and never ever resist,
pain and lust kill my love
numb to be define



FADES



It seems too late to know that I love you
That day was never ending curve of smile you’ve showed
It was never ending cackle while a gray ash follows the wind

All day and all night every time you were not in my eyes I feel so nervous
It was like losing up day and night.
I never fail to gave care and love to you
But you never feel what I wanted to say just I love you
You unveiled to be numb but still I love you

So, until the last day of verdict of my feelings was still unquestioned
I should stop not to be hurt
I should move to find someone
And keep shakin to love someone else who’s ready to accept me and love me publicly and proudly say I LOVE YOU JUNE.

Linggo, Disyembre 9, 2012

RACISM


Napatunayan ko na hindi balase ang mundo dahil sa mga taong alam lamang ay paglaruan at pagtawanan ang taong di dapat husgahan sa kahit anong uri ng laranga ,eron ka sa mundo. Ang masasabi ko lang sa inyo mang husga ka ng tao kung perpekto ka yung pagkatao mo yung masasabing walang kulang sayo at Diyos na ang itatawag ko sayo.
Ung sa tingin mo na wala na akong masasabi sayo kasi perpekto ka nga...Ayos lang namna sakin na KUTYAIN nyo ko ang sa akin lang KNOW YOUR LIMITATIONS di sa lahat ng araw kailangan ko i please ang lahat..”You cannot PLEASE everbody”. Tanggap ko naman kung ano sana naman konting respeto lang..ALam nyo na nga na ganun ung tao tapos ganyan pa kayo imbis na suportahan nyo lang eh hindi eh…

                               

MAYNILA

Buhay na buhay ang yaman ng bansa sa lugar kung saan maingay ang busina ng mga sasakyan, madaming matataas na gusali, maruming usok na nalalnghap sa oras na kailangnan mong huminga at mga taong nakahiga sa langsangan na naghahanap ng kanilag kapalaran sa gitna ng kalamidad at sa hirap ng buhay.ito ang MAYNILA na kakaiba sa aking kinagisnan at kinalakikahan kung saan sa BATANGAS malalanghap mo ang sinsay ng sariwang simoy ng hangin at tahimik na probinsya na pinapangarap ng bawat isa. maunlad na probinsya malayong malayo sa kaunlaran ng MAYNILA.

Sa aking paglalakbay sa buhay nang katotohanan dito sa MAYNILA makikita mo ang iba't-ibang uri ng buhay na iyo mismong mapapagtanto na maswerte ka at nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, may malambot na kamang aakap sa iyo habang ikay natutulog samantalang sila lansangan ang kama at unan, puno ang kandungan o maliit na pahingahan ng bawat isa.

Sa realidad na ito dito ko napatunayan na marami pa rin akong mga bagay na kulang at hindi natutunan, maraming tanong ang paikot-ikot sa aking utak na hindi ko maintindihan o mahanapan ng sagot at dito naramdaman kung gaano kahirap pumasok sa butas nang karayom para lang makaahon ka sa lahat ng dagok sa buhay.

May mga magdalenang nagbibigay saya sa bawat kalalakihan ipinagkakanulo ang sariling katawan para kumita ng pera at may maipakain sa pamilya,

May mga batang nasa lansangan nagbebenta ng sampaguita, yosi, kendi at kung anu-ano pa para may maibigay sa kanilang iresponsableng ina at ama at kapag hindi nakauwi ng walang dala humanda na sila sa parusang ipapataw sa kanila.

May mga matatandang baliw nga ba o nagbabaliw baliwan para makakuha ng atensyon ng iba upang maunawaan ang buhay nila.

mahirap unawain ang buhay rito kailangan pa ng teorya para malutas ang kaso sa kahirapan ng tao rito..pero papaano nila nasasambit sa telebisyon o radyo na maunlad at mayaman ang bayan na ito? ito ang depinisyon ng masaganang MAYNILA mayaman sa KAHIRAPAN, MAHIRAP sa KATOTOHANAN.

Bilib rin ako sa mga tao rito kasi sa kahit anong unos ng problema ang dumating sa kanila NGITI ang papawi sa lahat ng ito na nagpapatatag ng loob sa buhay ng BAWAT ISA.

Diyos ang Sandigan ng bawat isa at pag-asa ang KAAGAPAY nila sa pagharap nila dito ako humahanga sa mga taong nakikipag sapalaran sa buhay marahil mahirap man sila mayaman naman sila sa pananampalataya at pag-asa na maiahon ang sarili nila sa problema bumabangon dahil sa katibayan ng loob sa buhay.