May isang tao akong nakilala na nag lakas loob na mag labas ng sama nang loob sa akin. Isang taong pinagkaitan ng tunay na katauhan ng mala dewendeng kabansutan kung saan hinahanap ang tunay na kasiyahan at kasaganahan ng kapalaran. Isang gulong ng kapalaran ang kanyang buhay na paikot-ikot sa gulong ng katikayan.
Itago na lamang natin sya sa pangalang REI. Isa syang kapansin pansing tao, mapapansin nyo sa kanyang napakasayahing mukha, isa din syang magaslaw at talakerang tao sa maikling sabi isang BAKLA. Kapansin pansin din sa kanyang sarili ang kapansanan na kanyang nararamdaman sa buhay, kapansanan na di malulunasan ng isang gamot, Isang sakit na puno ng kahihiyan, kasuklaman at panghuhusga ng mga taong walang kwenta kundi ang mabuhay sa mundo ng kamangmangan at kahusgahan, mga taong hindi marunong makiramdam sa taong nasasaktan at pinagtatawanan ika ni REI.
Umaasa si rei na sa kalagayan nyang ito ay tatangapin sya ng mga taong minamahal nya yun ang kanyang pamilya. pamilyang hindi alam ang tinatagong pagkatao ng kanilang anak. hindi na tanggap ng pamilya ang kanyang katauhan bilang isang bading sa halip ikinakahiya nila ito(kawawang bata walang puwang sa mundong kinagagalawan). sa huli sarili at sarili pa rin nya ang kanyang maasahan, pilit pilt nya pa ring bumabangon si micahel sa pag kakadapa, nabuhay sya sa mundong walang kasama, walang makahunta kundi ang damong ligaw na umaalalay sa buhay nyang wala nang kwenta. nabuhay sya na puno ng pag - asa na balang araw may makaintindi sa kanyang nararamdaman, nangarap na may maasahan at masasandalan at mahihiraman ng balikat sa oras ng pangangailangan at bubuo sa pusong durug- durog at gulagulanit na puno ng kahusgahan.
labis din akong naapektuhan sa mga sinabi ni REI sapgkat ramdam ko din ang kanyang nararanasan yun nga lang pinabayaan ko na lang lahat ng ito imbis na pakaisipin ko pa. pinabayaan ko na lamang sila dahil wala din naman mangyayare dahil yun at yun pa rin ako wala nang mag babago pa sa katauhan ko.
Maaring mababa ang tingin ng tao sa kanya ngunit bilang isang tao minarapat natin irespeto at igalang ang kanyang katauhan hindi lingid sa ating kaalaman na walng sinoman sa atin ang maaring makapanghusga sa taong may ganitong kalagayan tanging ang diyos lamang ang may karapatan na gawin ito at hindi tayo. ang sabi nga nila, higit sa lahat RESPETO ang dapat mamanyani sa ating pakikipag kapwa tao, dahil kapag may RESPETO KA sa TAO, RESPETO din ang IBABALIK SAYO...kaya mga kapatid irespeto naman natin ang kung ano ang meron sa bawat isa...wag po natin silang husgahan silay tao lamang hindi nila ginusto na maging ganun ang kanilang buhay.....matuto po natin igalang ang bawat isa at mamayani ang pag kakaisa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento