Biyernes, Pebrero 28, 2014

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Masaya talaga ang pagiging Pilipino kasi namumuhay daw kami sa salitang "DEMOKRASYA"
demoralisadong "KALAYAAN/MALAYA" at puno ng masayang pakikibaka kahit "NAGHIHIRAP ANG BANSANG PILIPINAS".

Ilan sa aking napagtuunan, tutal naman bilang isang Pilipino Likas tayong pumuna ng mali sa gobyerno man o sa ordinaryong tao. Kaya ito ang gagawin natin ang pumuna sa salitang "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES", May FUN nga ba sa PILIPINAS?

sige, Himayin natin ito nang may pang-unawa at malawak na pag-iisip, intindihin mabuti baka nabibilang ka sa mga ito.

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES kasi LIKAS na sa ATING mga Pilipino kapag meron ka sa isa sa mga ito tyak! CERTIFIED FILIPINO KA! ito ang mga sumusunod:

  • MAREKLAMO -Alam mo yung simpleng maglalakad ka lang ng konti eh mas mabilis pa bunganga nila kata-talak na kesyo mainit daw, malayo,papawisan na hanggang sa nakarating ka na sa punpuntahan mo di ka pa rin tumitigil, GANYAN ANG PINOY!

  • Isunod naman natin ang pagiging maaga ng ating kababayaan- Ang ALWAYS LATE!, sakit na ito ng Pilipino kahit mag bigay ka ng call time na 7AM dating nyan 9AM pa papano tayo aasensyo nyan.

  • isa pa ito kung tawagin ay "JUAN TAMAD" yung tipong malapit na sayo yung gamit na gusto mong kuhain iaasa mo pa sa iba at simpleng pagtatapon ng basura sa tamang BASURAHAN di mo magawa sa tabi na lang itapon dahil sa katamadan mo, anong say mo sa mga taong ganyan di ba nakakasura! walang kwenta, di marunong umintinde ng salitang KASIPAGAN at MAKABAYAN!

  • iangat ang level natin, ilevel natin sa BUZZ ng BAYAN at STAR TALK ang susunod na likas sa pagiging Pilipino na maihahalintulad rin sa trapik na nagaganap sa edsa, TSIMOSO/TSIMOSA dito tayo talagang bihasa, bihasang pag tisimisan ang isang sikat/politiko/kapitbahay/brgy at kung sinong nabuntis ni ka juan na minor de dedad na kahit na di mo kilala gagawa ka ng way para ikalat ang tsismis sa ibang bahay,brgy. munispyo mamaya lalawigan na di na nakalabas ng bahay yung pinag tsismisan. dapat bago nyo muna itsimis ay iklaro nyo muna kung totoo ba ito at may sapat na ebidensya, di yung dada ka ng dada mali namna pala, sino ngayon mapapasama IKAW ba o yung pinag tsismisan ninyo? mag-isip kayo kaya di tayo naasenso katulad ng buhok ni PNOY!

  • Ang naumsyami at nakakadismayang "PILOSOPO", ang pagkaka alam ko ang pagiging Pilosopo ay bihasa sa PILOSOPIYA at hindi sa pananagot ng pabalang sa kapwa. Nakikitsismis lang marami daw matatanda ang nagagalit kay VICE GANDA dahil sya daw nag simula at bumuo ng PILOSOPO PROPAGANDA sa kanyang pag-usbong sa larngan ng telebisyon na dapat raw SPG ang SHOW nya kasi daw ginagaya na sya ng kabataan ngayon, simpleng pag-uulit ng salita nakakaumay na raw magtanong sa tao..

  • Isa pinakakalungkot sa pagiging Pilipino ay ang kakulangang kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa na minsa nang sinubok ng TV PATROL at 24 Oras na mag survey patungkol sa kasaysayan at sa EDSA revolution, People's Power ni isa siguro sa sumagot di alam ang sagot, nakakaawa ang Pilipinas di binibigyang halaga ng mamamayan ang kanilang sinilangan basta na nga lang tumira di man lang maging makabayan.haist!

  • Nabibilang ang Pilipinas sa pinaka KURAP as in yung kumukurap ang mata..hehehe...di CORRUPT ang ibig kong sabihin yan ay talamak sa bawat lalawigan man o munisipalidad at maging sa nasyunal na  rin..nakakaawa ang mamamayang Pilipino na sana ngayon mas sikat na tayo sa CHINA sa pag-unlad, mas maganda sana ang Pilipinas kung di lang nabuo ang salitang CORRUPT sa ating diksyunaryo nakakaawa tayo pero wala tayong magagawa sadyang mapaglaro ang ating panahon siguro darating yun time na uunlad rin tayo kapag nanalo ang Pilipinas na makuha ang Scarborough shoal at panatag chenelu! :), actually sikat naman tayo dahil may mga PIlipino abraod ang nag aangat ng bandera ng Pilipinas sa larangan ng MUSIKA, PELIKULA at iba pa..yung iba naman nag papababa ng dangal ng Pilipinas tulad ng CORRUPT, HOSTAGE Crisis, gera sa zamboanga, mindanao, yolanda..basta calamities NUMBER 1 ang PINAS kasi sympre hinge tayo pera, tulong sa banyaga! jadyan tayo magalaing!!:)


    well nasabi ko na ang gusto kong sabihin it's more fun in the Philippines talaga!
    LAHAT TAYO EDUKADO NGUNIT NASAN NA ANG PINAG-ARALAN natin? naglaho na na parang bula! gamit tayo ng JOY DISHWASHING para bumula ulit...

Biyernes, Enero 24, 2014

WALANG MUWANG

      Marahil sa ngayon hindi na sandigan ng mga kabataan ang katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kundi nirebisa sa makabagong panahon at iniakma sa panahong 20th century  na "Ang kabataan ang sakit sa lipunan at nagpapabaon sa kahirapan" bakit? kasi karamihan na sa ating mga kabataan ngayon ay wala nang pakialam sa EDUKASYON bagkus sa RELASYON NG MAAGANG PAG-AASAWA na ang patok sa merkado.... 

      Ano ang maidudulot ng ganitong uri ng relasyon?, 
Dito na pumapasok kung bakit naghihirap ang tao, ang lipunan at bayan dahil sa kakulangan sa edukasyon at kawalang trabaho at pag-aasawa ng maaga.  Anong pagkain, bitamina, sustansya at pagpapa-aral ang ibubuhay mo sa kanila? Anong disposisyon sa lipunan ang walang muwang na bata sa mundong ating ginagalawan nya at ibabahagi mo sa kanya? paghihirap?pagsasakripisyo?..............


 
...........o dili naman kaya sa kanila kayo aasa ng pangaraw-araw na gatusin, pagtatrabahuhin mo sya ng maaga at dadalhin sa lansangan? para ano manlimot ng mga bote, lata, papel at manlimos sa mga taong dumadaan sa kanya?  tapos magagalit ka sa kanya kapag wala syang nai-uwing pera pambili ng bigas at ulam MO! na samantalang ikaw nakaupo lang sa sulok ng bahay naka-higa nag-aantay na pumatak ang bayabas na iyong bibig na kinatatamad pang kuhanin? HINDI TAMA YUN! HINDI MAKATAO!


         Mag aanak-anak kayo tapos di nyo bibigyan ng magandang kinabukasan? ano ito naglalaro lang kayo nung binuo nyo ang batang walang muwang sa inyong kasalanan? nakakaawa ang mga magiging anak nyo sa puntong mawawalan na rin sila ng pundasyon ng PANGARAP kundi ang itatak na lang nila sa kanilang sarili ay ang pundasyon ng HIRAP... 


          MAG-ISIP MUNA KAYO BAGO KAYO GUMAWA NG DI KANAIS-NAIS.....

itanong nyo sa sarili nyo

           ANO ANG IPAPAKAIN KO SA BATANG MAARING MAGING ANAK KO KAPAG NAGAWA NAMIN ITO?

            MAGDUDULOT BA ITO NG KASIYAHAN (sarili) O KAHIRAPAN (batang iluluwal)?



BE RESPONSIBLE ENOUGH! LUMAYO SA TUKSO! ALIWIN ANG HUSTO SA IBANG MAKA MUNDONG BAGAY AT HINDI SA MADILIM NA BAHAY.....

Biyernes, Enero 17, 2014

Isang Umaga

Alimyos ng amihan
Mainit na sabaw
Barakong pampinid sa lalamunang nauuhaw
Batangas ala eh aking kinatatayuan

mahamog na umaga malabo pa sa mata
kalikasang maunlad pa kesa sa pera,
Nagpapakilig sa kama
dala ng hanging malinis pa sa polusyon ng maynila

naghahanap ng kasama
pampainit sa nag uumapaw na hanging walang gana.
Yakap dito,
Haplos doon,
nagpapahiwatig ng masaya kang kasama.






Lunes, Enero 13, 2014

"ANG PAGTAWAG"


        Sa aking paglalakbay patungo sa hangarin na gusto ko may isang bagay ang inaasama-asam kong gawin na hinding-hindi ko kayang pasukin dala nang aking  masidhing katauhang tinataglay.

        Lumipas ang ilang oras may hanging umihip sa aking katauhan upang ihatid ang isang napaka halagang tao sa aming buhay papunta sa kanyang pinapasukang eskwelahan ang "seminaryo", kitang-kita sa kanya ang galak at tuwa na tila ba na isang ala-alang di nya malilimutan na parang kami ang tumayong magulang nya papunta sa tahimik ng kabanalan.

        Habang rumaratsada kami sa daan patungo sa kanyang kalungkutan/kagalakan.kasiyahan sinulit nya ang oras na kami ay kasa-kasama nya nandun ang masidhing kwentuhan na may halong kadramahan na mamaya'y mauuwi sa iyakan at tawanan, binusog kami ng seminaristang ito ng isang masayang baon pauwi ng aming mga tahanan ngunit iiwanan naman namin sya ng isang malungkot at masyang ala-ala na paghuhugutan nya ng lakas ng loob sa pagpasok nya sa seminaryo.

      Nakarating na rin kami sa wakas sa lugar na makabasag pinggan ang katahimikan sa puntong iyon doon ko naramdaman na para ba akong naulila nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kasiyahan at kagalakan sa pagbabalik sa tahanan ng relihiyoso eto ako masaya kaharap nila pero sa loob ko para akong tinutusok ng karet ni satanas na sa sobrang hapdi at sakit gusto mo nang sumigaw at umiyak.

        Masakit, mahirap ang tiisin ang isa sa pangarap mo na maging kabilang nila ngunit hindi ito pwede dahil sa mata ng sangkatauhan isa akong malaking kasalanan at kahihiyan dahil sa katauhang aking dala-dala....
Isang pagsisisi ang nasa aking kaisipan na kung bakit nga naman ako sumama pa sa paghahatid sa kanya yan tuloy nabuhay na naman ang pagtawag nya sa akin...

         Sa mata siguro ng Diyos hindi ako kasalanan na pasukin ang pagpapari pero sa mata ng kaparian nandoon ang mainit at nanlilisik na mata sa pagkamuhi at ang hindi pagtanggap... Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang presensya ng kalungkutan habang ginagawa ko itong bawat salita at letrang aking isinusulat katumbas nito ang hikbi at luhang nananalaytay sa aking mukha masakit pa rin hanggang sa ngayon.

          Hindi madaling itanggi o itago sa sarili at sa iba ang pagka humaling mo na pumasok  at maging bahagi ng isang institusyon na puno ng kabanalan na kung saan naroroon talaga ang aking puso ang seminaryo. Wala akong magawa kundi tumingin at makitawa sa kanila pero sa kalooban ko damang-dama ko ang kainggitan sa kanilang mga mukha na pawang seminarista lang ang makakagawa.

Isang katanungan ang sumagi sa aking muwang na kaisipan sa puntong nakita ko silang lahat....

MATATANGAP KAYA NILA AKO?
ANO KAYA ANG KAHIHINANTNAN NG BUHAY KO?
DI BA LAHAT NAMAN PWEDENG MAGBAGO KUNG GUGUSTUHIN MO at PAGSUSUMIKAPAN MO?

          Pangarap ko rin umakyat sa altar at magmisa sa parokyano, pangarap kong mag homiliya katulad ng paring napapakinggan ko mag homilya sa ngayon homiliya sa mga kabataan ang ginagawa ko ang pagbabahagi ng buhay ko kasama si Kristo at mga ala-alang nagpapatunay na buhay si Kristo sa ating pang-araw-araw na buhay hanggan dun lang siguro ako.

Nakalulungkot ito para sa akin sapagkat nandun ang presensya  ng pagtawag ng Diyos at kagustuhan  ngunit di ko magawa sapagkat ako ay puno ng pagkabahala at kawalang tiwala sa sarili, siguro hanggang sa huli ito ay aking pagsisisihan dala-dala hanggang sa ako ay mahimlay.


hanggang pangarap na lang ako............


HANGGANG SA MULI....

Lunes, Nobyembre 11, 2013

HELP!!

     Sa darating na Martes hanggang Linggo, Ang kabataan ng Parroquia De La Nuestra Senora De La Merced ay mangangalap ng tulong at donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng Super Typhoon YOLANDA..Ngayon ang pagkakataon na tayo ay magtulong-tulong at magbigayan ngayon darating na kapaskuhan, Sa bawat tulong na ating maipa-aabot maliit man o malaki ang katumbas naman nito ay walang humpay na ngiti at pag-asang dala-dala na may bukas pang darating para sa ating mga kapuso, Kapatid at Kapamilya. Muslim man o Katoliko tayo ay iisa!:)


Para po sa mga gustong tumulong, tumawag o makipag-ugnayan lamang po sa numerong 0915-4674339 (GLOBE), 09496305456 (SMART), at 09238918404 (SUN)

GOD BLESS!:)

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Like Maria Clara



How I wish to be like you, 

Like Finesse of a heartbreaking Maria Clara

Unfortunately I was a man of steel physically

But the apple inside me is not as masculine as man but feminine rather.

I might love the same gender

And strange to become a pretender

Abiding as a secret affair

Whose will IS to spill a lot of crystals just to be happy?

Just to taste its pleasure and leisure but never taste falling to someone.

How an endangered species like me can find the destined person?

If me, myself and I can’t wait for it?

Suffering for the solitary and discrepancy never like an infant

ALA EH



Alay eh! 
Barako man sa paningin
Matapang man kung maituturing
Ala eh! paboritong sabihin
Maka-Diyos rin kung kikilatisin.

Kapeng mabango pa sa hangin kung iyong lalanghapin
halimuyak nito ay ika'y pagaga-anin
samahan mo pa ng paburitang 
nakakaumay ngatatin.

Taal na nag-pasikat sa amin
Burdang taal na nagpakilala sa aming sinilingan
Subliang nagbibigay kulay 
at nagpapayaman sa kultura at buhay

Ginto't Pilak kung Ngumiti
Inam kung tumili!
Ngalan ng bayan sa ami'y habi sa katolikong binhi

Maugong sa  tengga ng mga Kristyano katoliko 
ang tinaguriang Rome of the Philippines!
yan ay sa aming nagpapayabong ng turistang banyaga
Sikat sa Pilipinas maging sa Mundo
Yan ang ALA EH'ng  BATANGAS.