Martes, Agosto 27, 2013

YOU GOT TO BE PERFECT!


Sa buhay na bigay sayo ano ang nasa isip mo?
Ano na ang nagawa mo na mabuti o masama? 
lamang ba ang masama kumpara sa mabuti? 
Ano mahalaga sayo ang tinitbok ng puso mo? o 
Ang sinasabi ng isipan mo? 

TAO ka ba na umasta o sadyang TAO ka lang sa pisikal na anyo pero ang kaluluwa mo naman ay nababalot ng itim na enerhiya with matching matutulis na sungay na kayang sumuwag kahit hindi mo kaaway..

o sabihin na rin nating mapanghusga ka sa kapwa mo, di excuse na kasama mo si lucifer kaya nagagawa mo ito, kasi kasama mo rin naman si archangel para gumawa ng tama....

pero bakit nagagawa mo rin pa rin makasakit ng tao kahit di mo sila sinasaktan..

basta makapag salita ka lang tinalo mo na ang kabutihan na para bang ikaw ang tunay na katotohanan at ang buhay na gumagampan sa luho ng kadiliman....
sa lahat ng sinabi ko ito ang reklamo ko sa iyo

bakit ba ang init-init ng ulo mo kapag BAKLA na ang sinasaktan mo?
Porket ba BAKLA magkakatulad na rin kami ng mga pag-uugali kagaya ng mga na encounter mo?
hindi ba pwedeng kilalanin mo muna ako bago mo ako husgahan?
di ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo kung ayaw nyo sa BAKLA well wala akong magagawa.
yan ang dulot mo sa pang iinsulto mo sa ka-uri ko!grabi ka magsalita masakit at wagas hanggang kaluluwa...
para mo na rin kaming isinumpa!di namin kasalanan kung ganito kami kaya't pag pasensyahan mo nyo na kung malupit ang naging hatol sa aming kasarian..wala na akong magagawa kundi tanggapin namin/natin ng bukal sa ating kalooban ang pagtanggap sa katulad naming nakakaranas ng diskriminasyon sa buhay...

sa pinaka huli muli ito ay iyong pag nilayan...


sa lahat ng tinanong ko sayo masasabi mo bang ikaw ay PERPEKTO?

PERPEKTO sa katauhan hindi sa PANGALAN ha...

...sa angulo ng pagkatao mo
...sa ritaso ng kaluluwa mo
...sa pagtingin mo sa ibang kagaya mo

Ano PERPEKTO KA NA BA???


kung perpekto ka karapat-dapat kang sambahin ng mga kulto at kung sinong taong ulol sa mundo!


Sabado, Agosto 24, 2013

"kalembang ng kalawang na lata katumbas ay isang magandang musika para sa baryang magpupuno ng kumakalam na sikmura" ()

Sa bawat pag kandili ng tambol na dala-dala nila...
Sa bawat bigat ng hampas sa paglikha ng naiibang tunog sa lansangan...
Kaakibat rin nito ang pagtunog ng kumakalam na sikmura....

Sa araw-araw na maruming hangin ang nalalanghap nila 

katumbas nito ay isang maginhawang tubig na pumipinid sa kanilang nauuhaw na lalamunan.....

....Ikaw maswerte ka at may naiinom ka na malinis pa sa iniinom nila,

kahit ilan pa ang gustuhin mo magagwa mo, 
samantalang sila konting hingi sa iba..
o makikinom lamang itinataboy na, 
ang swerte mo kumpara sa kanila.

Sa pakikibaka nila sa hamon ng buhay 

Ang natatanging hanapbuhay nila ay  sumampa at gumawa ng eksena sa rumaragasang jeep 
na punong-puno ng tao,
Iba't-ibang ugaling matutunghayan
may mabait,
may good samaritan, 
may mataray, 
may sakim at walang pakialam sa kanilang kalagayan

...OO nga naman bakit nga ba magbibigay ang mga pasahero sa kanila eh kung tutuusin di nila ito problema, pero hindi mo ba naisip na sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay maswerte ka kumpara sa kanya?


kumakain ka ng masasarap na pagkain at 3x a day pa,  minsan nga  5x a day eh while watching tv eh samantalang sila 1 to 2x a day lang minsan wala pa...


....sa halagang piso o limang pisong hinihingi nya sayo 

malaking tulong na ang naibigay mo 
pamatid uhaw rin ito para maibsan ang kumakalembang na tyan...

......pero nasasayo pa rin yun kung magbibigay ka......



Maaring Tama ka oo na palaboy nga sila...

...mga palaboy na humihingi ng awa at habag sa lipunan para lang kumita ng kumakalansing na barya sa eksenang kanilang dala-dala 
pero kung tuuusin kapag nakita mo sila marami kang mapapagtanto sa sarili mo.,,mas masasabi mo rin na maswerte ako at hindi ko nararamdaman ang kahirapan nila sa buhay..mas maswerte ako kasi ako nakapag-aral o kesyo ganyan...



eh sila kaya kailan suswertehin katulad mo???


Huwebes, Hulyo 11, 2013

PATIENT for ACTION!

Can you imagine yourself having a medication Health care like this?...together with the mosquitoes out there  and other insects in the hallway? would you try to be here and feel better?I feel pity to all the patients out there! Hoping for government actions!!! BATANGAS REGIONAL HOSPITAL for action please! 






Miyerkules, Mayo 29, 2013

KAHABAGAN NAWA NYA TAYO SA LAHAT NG MGA KASALANANG GINAGAWA NATIN SA KANYA.PATAWAD PO PATAWAD...

Hindi ko lang po alam kung ano po ang nangyayayri sa ating lipunan sa ngayon…marahil nawawala na nga po ang salita RESPETO sa mga nakatatanda sa atin at lalo’t higit ang pananampalataya ng iba sa sinasamba natin….
Ngunit ako’y may isang tanging ikinalulungkot sa panahong mayroon tayo lalo’t higit sa Bansang Pilipinas na ipinaglabanan ang RH Law ISANG KONTROBERSYAL, BAKA SA dahilang TAYO na lamang at ang bansang ROMA/Italya ang wala pang ganitong batas. Kulang na nga ba at nawawala na nga ba ang salitang PANANAMPLATAYA SA KANYA?…
Sa kabilang dako, ito na marahil ang pinakamasaklap at masakit sa pakiramdam ng lahat ng KATOLIKO na may paniniwala sa Diyos na makikita saLITRATO NA KINALUBAHANG IKINALUNGKOT KO AT NASAKTAN AKO SAPAGKAT ISA SYA SA MGA NAGBIGAY SA AKING BUHAY NG KULAY NG PAG-ASA, PANANAMPLATAYA AT LALO’T HIGIT ANG PAG-IBIG NA IBINIGAY NYA SA BUONG SANGKATAUAHAN…….MASAKIT TINGNAN AT TITIGAN ANG LITRATO „„„„„„„ang BASTUSIN ang ating Diyos sa iba’t-ibang uri ng pamamaraan……MARAMI ang nagsasabi sa mga KATOLIKO BAKIT KAYO SUMASAMBA SA STATWA na yari sa kahoy?….MARAMI NA RIN ANG NAGSASABI BAKIT MAY SANTO ROSARIO TAYONG GINAGAWA PERO WALA NAMAN ITO SA BIBLYA? isa lamang po ang masasabi ko sa inyo BASAHIN PO NATIN ANG NILALAMAN NG BANAL NA KASULATAN SA BIBLYA AT DOON MATATAGPUAN NATIN ANG ATING MGA KATANUNGAN SA BUHAY…..
TAYO NAMAN PO AY MAGKAKATULAD LAMANG NG SINASAMBA AT INAALAYAN NG PANANAMPALATAY ANG KAKAIBAHAN NGA LANG PO NITO AY IBA’T-IBA ANG TAWAG SA ATIN MAY KATOLIKO, MAY IGLESIA, MAY BORN AGAIN AT KUNG ANU-ANO PA NGUNIT ISA LAMANG ANG ATING BINABANGGIT HESUS…PANGINOON AT KUNG SINU-SINO PA…..
HAYY PASASASAAN PA NGA BA ANG SINASABI KO RITO EH MALABO RIN NAMAN ATA ITO MAININTINDIHAN NG KARAMIHAN SA ATIN…MARAHIL MARAMI ANG MAG KUKUMENTO KUNG BAKIT NGA BA GANITO NA TAYO SA ATING HENERASYON…SIGURO MARAHIL NA RIN SA KAKULANGAN NG PAGPAPAUNLAD NG KANILANG SARILI NA ALAMIN KUNG SINO NGA BA SI HESUS AT ANG BUHAY NYA LALO’T HIGIT ANG KAKULANGAN NATIN SA PAGTITIWALA AT PANANAMPALATAYA SA KANYA.

Linggo, Disyembre 16, 2012

ISIPIN


Ako'y nagugulumihani sa tuwing pangalan mo ang tumatakbo sa aking isipan.
Naguguluhan, Nalulumbay, Napapagod
hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo sa tuwing ako'y mag paparamdam sayo.
Manhid ka lang ata,
hindi mo maramdaman ang ipinapakita kong pagmamahal.
eto naman ako hindi pa rin tumitigl
kahit masakit na masakit na sa pusong tugatib at nag didilig ng pagmamahal sayo.
Bulag ka rin ata sa tuwing ako'y lalambing sa iyo
o baka naman Bingi ka na rin sa mga sinasabi ko
 na MAHAL KITA, ikaw lang at wala nang iba.
O sadyang ako lang ang nagmamahal sayo at ikaw naman kaibigan turing mo.

Nandito pa rin ako nag iisip sayo
nagmamahal sayo
at maghihintay pa rin sayo
hanggang sabihin mong MINAHAL mo rin Ako kahit papano.

Bingi o Bulag ka man eto ako nagpaparamdam, Nagpapakasakit
para makita at marinig mo rin ang tono ng puso ko
Marahil Manhid ka pa hanggang ngayon
naniniwala ako na may hangganan ang pagka MANHID mo. . ,. . .

every time I'm thinking about you I feel so damn idiot

Sabado, Disyembre 15, 2012

The morning that I exist
and never ever resist,
pain and lust kill my love
numb to be define



FADES



It seems too late to know that I love you
That day was never ending curve of smile you’ve showed
It was never ending cackle while a gray ash follows the wind

All day and all night every time you were not in my eyes I feel so nervous
It was like losing up day and night.
I never fail to gave care and love to you
But you never feel what I wanted to say just I love you
You unveiled to be numb but still I love you

So, until the last day of verdict of my feelings was still unquestioned
I should stop not to be hurt
I should move to find someone
And keep shakin to love someone else who’s ready to accept me and love me publicly and proudly say I LOVE YOU JUNE.