Biyernes, Pebrero 28, 2014

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Masaya talaga ang pagiging Pilipino kasi namumuhay daw kami sa salitang "DEMOKRASYA"
demoralisadong "KALAYAAN/MALAYA" at puno ng masayang pakikibaka kahit "NAGHIHIRAP ANG BANSANG PILIPINAS".

Ilan sa aking napagtuunan, tutal naman bilang isang Pilipino Likas tayong pumuna ng mali sa gobyerno man o sa ordinaryong tao. Kaya ito ang gagawin natin ang pumuna sa salitang "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES", May FUN nga ba sa PILIPINAS?

sige, Himayin natin ito nang may pang-unawa at malawak na pag-iisip, intindihin mabuti baka nabibilang ka sa mga ito.

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES kasi LIKAS na sa ATING mga Pilipino kapag meron ka sa isa sa mga ito tyak! CERTIFIED FILIPINO KA! ito ang mga sumusunod:

  • MAREKLAMO -Alam mo yung simpleng maglalakad ka lang ng konti eh mas mabilis pa bunganga nila kata-talak na kesyo mainit daw, malayo,papawisan na hanggang sa nakarating ka na sa punpuntahan mo di ka pa rin tumitigil, GANYAN ANG PINOY!

  • Isunod naman natin ang pagiging maaga ng ating kababayaan- Ang ALWAYS LATE!, sakit na ito ng Pilipino kahit mag bigay ka ng call time na 7AM dating nyan 9AM pa papano tayo aasensyo nyan.

  • isa pa ito kung tawagin ay "JUAN TAMAD" yung tipong malapit na sayo yung gamit na gusto mong kuhain iaasa mo pa sa iba at simpleng pagtatapon ng basura sa tamang BASURAHAN di mo magawa sa tabi na lang itapon dahil sa katamadan mo, anong say mo sa mga taong ganyan di ba nakakasura! walang kwenta, di marunong umintinde ng salitang KASIPAGAN at MAKABAYAN!

  • iangat ang level natin, ilevel natin sa BUZZ ng BAYAN at STAR TALK ang susunod na likas sa pagiging Pilipino na maihahalintulad rin sa trapik na nagaganap sa edsa, TSIMOSO/TSIMOSA dito tayo talagang bihasa, bihasang pag tisimisan ang isang sikat/politiko/kapitbahay/brgy at kung sinong nabuntis ni ka juan na minor de dedad na kahit na di mo kilala gagawa ka ng way para ikalat ang tsismis sa ibang bahay,brgy. munispyo mamaya lalawigan na di na nakalabas ng bahay yung pinag tsismisan. dapat bago nyo muna itsimis ay iklaro nyo muna kung totoo ba ito at may sapat na ebidensya, di yung dada ka ng dada mali namna pala, sino ngayon mapapasama IKAW ba o yung pinag tsismisan ninyo? mag-isip kayo kaya di tayo naasenso katulad ng buhok ni PNOY!

  • Ang naumsyami at nakakadismayang "PILOSOPO", ang pagkaka alam ko ang pagiging Pilosopo ay bihasa sa PILOSOPIYA at hindi sa pananagot ng pabalang sa kapwa. Nakikitsismis lang marami daw matatanda ang nagagalit kay VICE GANDA dahil sya daw nag simula at bumuo ng PILOSOPO PROPAGANDA sa kanyang pag-usbong sa larngan ng telebisyon na dapat raw SPG ang SHOW nya kasi daw ginagaya na sya ng kabataan ngayon, simpleng pag-uulit ng salita nakakaumay na raw magtanong sa tao..

  • Isa pinakakalungkot sa pagiging Pilipino ay ang kakulangang kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa na minsa nang sinubok ng TV PATROL at 24 Oras na mag survey patungkol sa kasaysayan at sa EDSA revolution, People's Power ni isa siguro sa sumagot di alam ang sagot, nakakaawa ang Pilipinas di binibigyang halaga ng mamamayan ang kanilang sinilangan basta na nga lang tumira di man lang maging makabayan.haist!

  • Nabibilang ang Pilipinas sa pinaka KURAP as in yung kumukurap ang mata..hehehe...di CORRUPT ang ibig kong sabihin yan ay talamak sa bawat lalawigan man o munisipalidad at maging sa nasyunal na  rin..nakakaawa ang mamamayang Pilipino na sana ngayon mas sikat na tayo sa CHINA sa pag-unlad, mas maganda sana ang Pilipinas kung di lang nabuo ang salitang CORRUPT sa ating diksyunaryo nakakaawa tayo pero wala tayong magagawa sadyang mapaglaro ang ating panahon siguro darating yun time na uunlad rin tayo kapag nanalo ang Pilipinas na makuha ang Scarborough shoal at panatag chenelu! :), actually sikat naman tayo dahil may mga PIlipino abraod ang nag aangat ng bandera ng Pilipinas sa larangan ng MUSIKA, PELIKULA at iba pa..yung iba naman nag papababa ng dangal ng Pilipinas tulad ng CORRUPT, HOSTAGE Crisis, gera sa zamboanga, mindanao, yolanda..basta calamities NUMBER 1 ang PINAS kasi sympre hinge tayo pera, tulong sa banyaga! jadyan tayo magalaing!!:)


    well nasabi ko na ang gusto kong sabihin it's more fun in the Philippines talaga!
    LAHAT TAYO EDUKADO NGUNIT NASAN NA ANG PINAG-ARALAN natin? naglaho na na parang bula! gamit tayo ng JOY DISHWASHING para bumula ulit...